Pag-ako ng ISIS sa pagsabog sa Sulu, isinantabi lang ng Malacañang

Manila, Philippines – Ayaw patulan ng Palasyo ng Malacañang ang pagako ng ISIS sa nangyaring pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo Sulu kahapon na ikinamatay ng 28 tao at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos akuin ng international terrorist na ISIS ang pagpapasabog at sa kabila naman ito ng pahayag ng Philippine National Police na ang local terrorist group na Abu Sayyaf ang nasa likod ng pagsabog.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi sila maglalabas ng anomang espekulasyon sa kung sino ang nasa likod ng pagsabog at hihintayin nalang ang magiging resulta ng ginagawang imbestigasyon.


Kaugnay niyan ay sinabi din naman ni Panelo hindi muna sila magtuturo kung sino ang may pagkukulang at dapat managot matapos makalusot ang insidente ng pagsabog sa kabila ng dapat na mahigpit na pagpapatupad ng seguridad dahil sa umiiral na Martial Law sa buong Mindanao.

Facebook Comments