Pagamyenda sa Foreign Investment Act, pinaaaprubahan na agad sa Kamara

Manila, Philippines – Pinamamadali ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Henry Ong ang pag-apruba sa House Bill 8764 o ang pag-amyenda sa Foreign Investments Act of 1991.

Ito ay matapos pumalo sa $8.5 Billion ang net foreign direct investments sa bansa sa loob ng unang sampung buwan noong 2018.

Naniniwala si Ong na kapag naamyendahan ang Foreign Investments Act ay tataas lalo ang dayuhang pamumuhunan sa mga small and medium enterprises partikular sa financial technologies.


Posible aniyang umabot sa $200,000 ang foreign investments sa SMEs habang $100,000 naman para sa mga non-Philippine nationals.

Mapapalakas aniya nito ang SMEs sa bansa lalo na ang mga nagsisimula pa lamang dahil mabibigyan na ng pagkakataon na makipag-partner sa mga foreign investors.

Facebook Comments