Manila, Philippines – Umaalma ang Kabataan Party list sa Kamara dahil sa ginawang pagapruba ng Commission on Higher Education sa dagdag na matrikula sa darating na pasukan.
Nasa 268 na mga unibersidad at kolehiyo ang pinayagang magtaas ng matrikula.
Ayon kay Elago, average na 86 pesos at 68 centavos ang itataas sa bayad sa bawat unit sa 262 pribadong eskwelahan.
Bukod sa matrikula, binigyan din anya ng go signal ng CHED ang pagtaas sa ibang bayarin o school fees sa 237 mga paaralan.
Batikos ng kongresista, masyadong mabigat ito para sa pamilyang may pinag-aaral pa lalo na at domoble na ang matrikula sa nakalipas na limang taon sa ilalim pa ng nakaraang aquino Administration.
Higit na dusa pa ito sa mga magulang ang dulot ng double charging ng ilang school administrators na nagpapataw ng bayarin sa mga estudyante na dapat ay sakop na ng kanilang binayarang matrikula tulad ng garbage fee, athletics fee, cultural fee, donation, energy fee, internet fee at developmental fee.
Ang mga nabanggit na bayarin ay ipinagbabawal na ng CHED pero
ilan sa mga bayaring ito ay ipinagbawal na sa CHED pero patuloy pa ring sinisingil ng ilang eskwelahan.
DZXL558, Conde Batac