Pagapruba “On-Time” sa pambansang pondo, makakatulong sa mga Infrastructure Projects

Iginiit ni CWS (Construction Workers Solidarity) Partylist Rep. Romeo Momo na dapat na masunod ang projection sa pagapruba ng P4.1 Trillion national Budget sa 2020.

Paliwanag ni Momo, na dating Undersecretary ng Department of Public Works and Highways, dapat ay na bid-out na ang 90-95% ng mga proyekto sa ilalim ng DPWH hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Dapat aniyang masunod talaga ang deadline sa pagpapasa sa budget para agad na maisasagawa ang awarding of contract at agad naring masisimulan ang lahat ng mga proyektong pang-imprasktraktura sa bawat distrito.


Matatandaang naapektuhan ang government spending ngayong taon sa infra projects makaraang matalagan ang Kongreso na mapapirmahan kay Pangulong Duterte ang pambansang pondo dahil sa isyu ng pork barrel.

Kaugnay nito’y, sang-ayon naman ang kongresista na mag-overtime ang Kamara para sa plenary deliberations ng 2020 budget kahit pa ma-extend ang sesyon hanggang Biyernes.

Facebook Comments