PAGASA, binago ang pamantayan sa paglalabas ng babala ng bagyo

Binago ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang paggamit ng Tropical Clone Warning Signal (TCWS).

Ayon kay Jun Galang ng PAGASA, ibabatay na ang paraan ng pagbibigay ng babala ng bagyo sa Hong Kong, China, Japan at maging ng Joint Typhoon Warning Center ng Amerika.

Sa bagong pamantayan ng PAGASA, itataas ang signal number 1 kung ang lakas ng hangin ng bagyo ay nasa 39 hanggang 61 kilometer per hour (kph).


Ang signal number 2 ay ibabatay sa lakas ng hangin na nasa 62 hanggang 88 kph.

Signal number 3 kung ang lakas ng hangin ay nasa 89 hanggang 117 kph at signal number 4 kung nasa 118 hanggang 184 kph.

Itataas naman ang Super Typhoon o signal number 5 kung may lakas ng hangin ng bagyo ay nasa 185 kph o mas mataas pa.

Facebook Comments