PAGASA: Cotabato City, nakararanas ng dalawang araw na mataas na heat index

Inihayag ngayon ng PAGASA na dalawang araw nang nakararanas ng mataas na heat index ang Cotabato City.

Ayon sa PAGASA, mula March 2 ay nakapagtala na ng 42 degrees Celsius sa Cotabato City.

Una rito, kahapon ay naitala muli ang 42 degrees Celsius na heat index at posibleng maranasan uli ngayong araw.


Base sa forecast pa ng PAGASA, posibleng maitala sa 45 degrees Celsius ang heat index bukas March 5 sa Cotabato City.

Babala pa ng PAGASA, maituturing na danger o mapanganib ang temperatura na naitala sa 42 degrees Celsius pataas.

Posibleng makaranas kasi ng heat cramps at heat exhaustion pati na rin ng heat stroke.

Facebook Comments