PAGASA DAGUPAN, NAGBABALA SA MAAARING MAAGANG PAGPASOK NG PANAHON NG TAG INIT NGAYONG MARSO

Naglabas na ng abiso ang pamunuan ng PAGASA sa maagang posibleng pagpasok ng panahon ng tag init o dry season sa mga susunod na linggo kasabay ng paglakas ng Easterlies na nagdadala ng mainit na hangin na dahilan ng nararamdamang mainit na panahon.

Ayon kay Engr. Jose Estrada, Chief Meteorological Officer ng PAGASA Dagupan, unti-unti ng nararamdaman ang mainit na panahon dahil sa pag init din ng mga karagatan at baybayin kung saan marami ang matatagpuan sa Pangasinan.

Tinatayang sa ikalawa o huling linggo ngayong buwan ng Marso ang posibleng pagdedeklara ang panahon ng tag init.

Maaaring pumalo sa higit sa 37°C ang temperatura na maaaring maranasan ng publiko.

Muli namang pinag iingat ang publiko sa mga karaniwang sakit sa panahon ng tag init maging amg dehydration. | ifmnews

Facebook Comments