PAGASA, gagamit na rin ng artificial intelligence o AI para sa pagtaya ng panahon

Gagamit na ang PAGASA ng artificial intelligence (AI) para sa kanilang weather forecasting.

Sa pagdinig ng Senado para sa panukalang 2025 budget ng Department of Science and Technology (DOST) at mga attached agencies nito, sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum na gagamit sila ng AI sa pamamagitan ng research program na layong mapaghusay ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko ukol sa panahon.

Gamit ang AI ay maibibigay na kada 15 minuto ang weather forecast sa halip na kada tatlong oras.


Maaari na ring magbigay ang PAGASA ng forecast ng hanggang pang 14 na araw sa halip na limang araw lang.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya si Senator Migz Zubiri sa PAGASA dahil sa kabiguan ng ahensya na maibigay ang maagang abiso bago manalasa ang Bagyong Enteng dahil hindi nakapaghanda ang marami at nag-iwan pa ng casualty ang kalamidad.

Facebook Comments