PAGASA heat index, dapat may signal level at katapat na aksyon ng LGUs

Iminungkahi ni Manila 3rd District Representative Joel Chua sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatakda ng signal level sa inilalabas nitong heat index.

Ayon kay Chua, katulad ng bagyo ay dapat mayroon ding katapat na signal number 1, 2, 3 at danger level ang heat index sa bansa.

Kaugnay nito ay iginiit ni Chua na dapat may katapat naman na aksyon ang mga lokal na pamahalaan sa bawat heat index level.


Napuna ni Chua na ang heat index na inilalabas ngayon ng PAGASA ay walang kaakibat na babala kung ano ang maaaring maging epekto at dapat na aksyon ng publiko at Local Government Units.

Sabi ni Chua, makabubuting magpasa ng mga ordinansa o magpatupad ng mga patakaran ang bawat LGUs kaugnay sa hakbang para sa bawat heat index level upang maproteksyunan ang kanilang mamamayan.

Facebook Comments