Ayon sa PAGASA, asahan na dadalas ang pag-ulan kahit na hindi pa man opisyal ang simula ng tag-ulan.
Sa isang interview sa DZMM, pinahayag ni PAGASA weather forecaster Raymond Odinario na hindi na magiging katulad ng sobrang init na naranasan nitong nakaraang buwan at mas dadalas ang pag-ulan.
Dagdag din niya, magiging maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ngunit magkakaroon ng localized thunderstorms pagdating hapon o gabi.
Wala ring namumuong bagyo sa loob ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Facebook Comments