PAGASA, humirit ng dagdag na pondo para sa siyam na bagong weather stations

Iginiit ni Senator Francis Tolentino ang kahalagahan na mapalakas ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pagdinig ng Senado sa P24.064 billion na 2023 budget ng Department of Science and Technology (DOST), humiling ang PAGASA ng pondo para sa itatayong siyam na bagong weather stations para sa flood forecasting at early warning reports.

Ayon kay PAGASA Deputy Administrator Nathaniel Servando, ang siyam na weather stations ay planong itayo sa Cagayan Valley, Region IV-A at Western Visayas lalo’t ilan sa mga ito ay naaapektuhan ng baha.


Ipaprayoridad din ang Marinduque at Batangas na walang weather stations.

Bagama’t hindi pa tukoy ng PAGASA kung saan itatayo ang pasilidad pero balak nila itong ilagay sa loob ng mga airport o state university.

Naniniwala naman si Tolentino na kailangang suportahan ang PAGASA sa proyektong ito lalo’t madalas na nakadepende na lamang ang ahensya sa reports mula sa mga international weather forecasts.

Facebook Comments