Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng panahon ng Habagat.
Ayon kay Administrator Vicente Malano ng PAGASA, lumalabas sa kanilang pagsusuri na humina na nang husto ang southwest monsoon sa nakalipas na mga araw.
Kabilang dito, ang paglakas ng high pressure systems sa kontinente ng Asya na dahilan ng pagbabago ng panahon.
Nararanasan na rin aniya ang transition o unti-unting pagpasok ng northeast monsoon o hanging amihan dahil sa pagbabago ng direksyon ng hangin.
Facebook Comments