PAGASA, inanunsyo na ang pagtatapos ng Habagat season

116

Inanunsyo na ng PAGASA ang unti-unti pagpasok sa susunod na mga araw ng ng Hanging Amihan o Northeast Monsoon.

Ayon sa weather bureau, nararamdaman na ang unti-unting paghina ng Habagat o Southwest Monsoon nitong nakalipas na araw.

Dahil dito, opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng panahon ng Habagat.


Samantala, dahil sa on-going La Niña asahan na ang pagtaas ng posibilidad na magkaroon ng higit sa normal na mga kondisyon ng pag-ulan na may potensyal na lumikha ng masamang epekto tulad ng malakas na pag-ulan, pagbaha at landslide.

Facebook Comments