PAGASA: ‘Init factor’, sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa malamang maranasan mula Abril

Mas mataas na heat index ang mararanasan sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa kung ikukumpara sa nagdaang panahon ng tag-init na mararanasan.

Ayon kay Analiza Solis ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Climatology at Agrometerology Division, nakikita nilang may mararanasang prolong drought ang bansa kaya’t kailangang ang lahat ay maghanda at mag-ingat.

Anya sa init factor ay dulot sa kawalan ng mga ulap na sasalag sa direktang radiation mula sa araw.


Sinabi ni Solis na ang peak temperatures maaring pumalo ng hanggang 40 degrees celsius sa buwan ng Abril at Mayo.

Kabilang sa makakaranas ng matinding init ng panahon ang Cagayan Valley Region.

Habang ang Metro Manila ay nasa 37-38 degrees celsius.

Pinayuhan ni Solis ang publiko laluna yaong may highblood na huwag lalabas ng bahay kung walang mahalagang gagawin sa nasabing panahon.

Facebook Comments