Nakararanas na ngayon ng matinding pag-ulan ang ilang bahagi ng Northern Luzon dahil sa Bagyong Goring.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, itinaas na sa yellow warning level ang Cagayan at Isabela, kasunod ng nararanasang malakas na ulan at posibleng pagbaha at landslide sa mga flood at landslide-prone areas.
Ayon sa PAGASA, light to moderate rains naman na paminsan ay malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras sa Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Abra, Apayao, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Batay sa pinakahuling ulat ang Bagyong Goring ay naging Super Typhoon na habang nasa coastal waters ng Palanan, Isabela.
Taglay nito ang lakas ng hangin ng hanggang 185 km per hour na malapit sa gitna at bugso ng hanggang 230 km kada oras.