Bumaba pa ang lebel ng tubig ng Angat Dam ngayong umaga.
Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydro Meteorological Division, pumalo na sa 179.99 meters ang tubig sa dam kaninang alas-6:00 ng umaga mas mababa sa 180.45 meters kahapon.
Mas mababa na sa normal high water level ng dam sa 210 meters
Ang Angat Dam ang nagsusuplay ng mahigit 90 percent ng potable water sa Metro Manila at sa Irigasyon ng 25,000 ektarya ng farmlands sa Bulacan at Pampanga.
Maging ang iba pang Dam ay nakitaan din ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig, kabilang dito ang Ipo Dam, Ambuklao Dam, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.
Samantala, nasa 78.69 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam, mas mababa sa 80.15 meters na normal high water level habang ang Binga Dam ay nasa 568.45 meters.