Posibleng maiangat ng Bagyong Ambo ang lebel ng tubig sa Angat Dam mula dalawa hanggang tatlong metro.
Ayon kay DOST-PAGADA Hydrologist Richard Orendain, ang bagyo ay inaasahang bubuhos ng 100 hanggang 150 milliliters ng ulan sa Angat Watershed kapag tumawid na ito ng Central Luzon.
Kinakailangan aniya ng 990 milliliters ng ulan para maabot muli ang 210 meter normal high water level sa nasabing dam.
Pagtitiyak ni Orendain, sapat ang supply ng tubig dahil ang kasalukuyang lebel ng tubig sa Angat ay nasa minimum operating level.
Inaasahan ding makakarekober ang Angat pagdating ng Hulyo kung kailan nasa “peak” ang Habagat season.
Sa kasalukuyan, nasa 188.43 meters ang water level sa Angat.
Facebook Comments