PAGASA: Lebel ng tubig sa Angat Dam, nadagdagan

Kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bahagyang nadagdagan ang lebel ng tubig ng Angat Dam makaraan ang naranasang mga pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, sa kabila ng mainit na panahon, nakaranas naman ng pag-ulan ang Angat watershed kaya bahagyang tumaas ang lebel ng Angat Dam.

Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, nadagdagan ng 41 sentimetro ang lebel ng Angat Dam.


Dahil dito, mula sa 195.99 meters kahapon ng umaga umakyat sa 196.40 Meters ang lebel ng Angat Dam.

Samantala, kung nadagdagan ang lebel ng Angat Dam, bahagya namang nabawasan ang lebel ng tubig ng limang iba pang dam sa Luzon.

Paliwanag ng PAGASA na kabilang dito ang La Mesa Dam, Ambuklao, Binga, San Roque at Kaliraya Dam.

Facebook Comments