PAGASA, maglalabas ng El Niño Alert sa susunod na buwan

Nakatakdang maglabas ng El Niño Alert ang PAGASA sa buwan ng Mayo..

Ayon kay PAGASA Climate Impact Assessment and Application Section Climatology and Agrometeorology Division Chief Marcelino Villafuerte, bunsod ito ng pagtaas ng tiyansa na maranasan ang El Niño sa bansa.

Sa ilalim ng El Niño Alert status, mayroong 70% na tiyansang makaranas ng dry spell sa susunod na dalawang buwan.


Dagdag pa ni Villafuerte, mayroon namang 80% na tiyansang magaganap ang El Niño sa mga buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre.

Inaasahan namang papalo ang full impact nito sa unang apat na buwan ng 2024.

Ang El Niño ay ang abnormal na pag-init ng temperatura sa karagatan ng gitna at silangang equatorial Pacific Ocean kung saan mararanasan ang mas mababa sa normal na dami ng ulan.

Facebook Comments