Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na kasalukuyan nang umiiral ang “strong” El Niño at magpapatuloy itong mararanasan hanggang Pebrero 2024.
Habang ang El Niño ay iiral hanggang Mayo at magta-transition sa El Niño Southern Oscillation (ENSO)-neutral hanggang June.
Batay sa US National Weather Service, ang ENSO ay ang paulit-ulit na climate pattern, kung saan may pagbabago sa temperatura ng tubig sa central at eastern tropical Pacific Ocean.
Dahil dito, pinapayuhan ng weather bureau ang lahat ng ahensya ng gobyerno at ang publiko na magpatupad ng mga hakbang sa pag-iingat para maibsan ang epekto ng naturang climate phenomenon.
Facebook Comments