PAGASA: Mga dam na nagpakawala ng tubig nabawasan

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nabawasan na ang bilang ng mga dam na nagpapakawala ng tubig sa Luzon.

Ayon sa PAGASA, mula sa tatlong dam, dalawa na lang ang nagpapakawala ng tubig ayon sa PAGASA hydrometeorology division.

Kaninang alas-6:00 ng umaga, isinara na ng Ambuklao Dam ang nakabukas nilang isang gate.


Paliwanag pa ng PAGASA na patuloy namang nagpapakawala ng tubig ang Angat at Ipo dam.

Batay sa talaan ng PAGASA, kaninang alas-6:00 ng umaga, isang gate na lang ang bukas na ang opening ay point 50 meters na para umano sa domestic use.

Ito ay kahit na tumaas pa ang lebel ng Angat dam na nasa 213.37 meters.

Ang Ipo Dam naman ay isang gate na lang din ang bukas na point 15 meters ang opening.

Kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 100.87 meters ang antas ng tubig ng Ipo Dam.

Maliban sa nabanggit na mga dam, tumataas din ang lebel ng La Mesa Dam, Binga Dam at Magat Dam.

Facebook Comments