Nagbabala ang PAGASA-DOST sa posibleng storm surge o daluyong sa ilang lugar sa Luzon dahil sa patuloy na banta ng Bagyong Pepito.
Tinukoy ng PAGASA ang ilang lugar sa Pangasinan, Aurora, Quezon, at Camarines Norte na malapit sa baybayin na maaaring makaranas ng daluyong na aabot sa higit 3 metro ang taas.
Ganito rin ang posibleng maranasan sa Albay, Bataan, Batangas, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Ilocos Sur, Isabela, La Union, Marinduque, Masbate, ilang bahagi ng Metro Manila, natitirang bahagi ng Pangasinan, natitirang bahagi ng Quezon, ilang bahagi ng Sorsogon, at Zambales kung saan ang storm surge ay maaring umabot sa 2.1 hanggang 3 metro.
Ang mga lugar naman sa Bataan, Bulacan, Ilocos Norte, Navotas, Pampanga, at ilan ding bahagi ng Sorsogon ay makararanas ng daluyong na aabot naman sa 1 o 2 metro ang taas.
Patuloy pa rin na pinaaalalahanan ang mga residente na nakatira sa mga low-lying areas na nabanggit na mga lugar na umiwas muna sa mga coastal areas, ikansela muna ang marine activities tulad ng pangingisda, lumipat malayo sa mga dalampasigan, at manatiling updated sa mga abiso mula sa PAGASA.