Manila, Philippines – Nagtaas ngayong ang PAGASA ng babala sa malakas na pag-ulan at posibleng pagbaha sa ilang lugar sa Mindanao.
Isinailalim sa orange rainfall warning ang Surigao Del Norte, kasama ang Siargao Islands, probinsya ng Dinagat, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte at Agusan Del Sur.
Bukod sa baha, may mga banta rin ng landslide sa mga nasabing lugar.
Itinaas naman ang yellow rainfall warning sa Bukidnon, Tawi-Tawi at ilang bahagi ng Compostela Valley, Davao Del Norte, Davao Oriental, Davao Del Sur at Saranggani.
Sa pinakahuling abiso ng PAGASA, nakararanas ngayon ng malakas na pag-ulan sa Mindanao dahil sa umiiral na Low Pressure Area na nakapaloob sa ITCZ.
Dahil rito, kanselado ngayong araw ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport.
Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang flight m8 421 manila to Siargao ng skyjet at m8 422 Siargao to Manila.
DZXL558