Asahan na ang above normal o matinding pag-uulan sa huling hati ng taong 2020 at sa unang bahagi ng 2021.
Ito’y matapos i-anunsyo ng PAGASA ang pagsisimula na ng La Niña.
Ipinapakita ng mga indicator ng temperatura sa dagat at sa galaw ng mga hangin sa Pasipiko na posibleng maranasan ng bansa ang weak La Niña sa katapusan ng Oktubre o sa unang bahagi ng Nobyembre 2020.
Habang posibleng maranasan ang full blown La Niña sa first quarter ng 2021.
Kabilang sa tatamaan ng La Niña ay ang bahagi ng Luzon, Bicol Region, Eastern Visayas at Mindanao.
Dahil dito, nagbabala ang PAGASA sa mga pagbaha, pagguho ng lupa, pag-apaw ng mga dam at pagkasira ng mga pananim.
Facebook Comments