PAGASA, nagbabala sa posibilidad ng baha at landslide sa Leyte

Manila, Philippines – Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng baha at
landslide sa lalawigan ng Leyte.

Ito ay dahil sa matinding buhos ng ulan kung saan nakataas ngayon ang
yellow rainfall warning sa nasabing probinsya, partikular na sa southern
portion ng Leyte.

Nilinaw naman ng PAGASA na walang umiiral na bagyo at Low Pressure Area at
sa halip ay epekto lamang ito ng easterlies o hanging nanggagaling sa
pacific ocean.


Asahan din ang mga biglaang ulan sa Bohol, northern Mindanao at Davao
region.

Nation”

Facebook Comments