Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang bagyong Quinta sa ilang rehiyon sa bansa.
Batay kanilang flood advisory na inilabas pasado alas-6:00 ngayong umaga, dahil sa mahina hanggang katamtaman at katamtaman hanggang sa malakas na pagulan ay maaaring magkaroon ng baha at landslide sa Ilocos Region, Cagayan valley at Central Luzon,
Kasama rin dito ang CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanoa, Davao Region, Caraga Region at BARMM.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing pag-ulan ay tatagal ng 12 oras, kaya naman pinag-iingat nito ang mga residente na nakatira sa mga mabababang lugar at landslide prone area sa mga nabanggit na rehiyon.
Hinikayat din nila ang publiko at ang mga local Disaster Risk Reduction and Management (DRRMO) Office na patuloy na tumutok sa kanilang mga abiso upang makapaghanda at maging ligtas laban sa sakuna na dulot ng sama ng panahon.