PAGASA, naglabas ng abiso sa mga lugar na posibleng bahain sa Cagayan

44

Nagbabala ang PAGASA sa mga nakatira malapit sa Cagayan River Basin na maaaring tumaas ang antas nito at magkaron ng pagbaha sa mga lugar malapit dito.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas pasado alas-6:45 ngayong umaga, makararanas ng mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang lakas na pag-ulan sa dulot ng bagyong Rolly.


Ang mga bahagi na posibleng maapektuhan ay ang upper, middle at lower na bahagi ng Cagayan.

Sa ngayon, nasa ilalim ng Signal Number 1 ang Cagayan na dulot ng bagyong Rolly batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA.

Facebook Comments