Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) sa masamang epekto ng pagbuhos ng ulan sa may Angat Dam.
Batay sa abiso ng PAGASA, na inilabas pasado alas-9:00 ngayong umaga, ang low pressure area (LPA) ay magdudulot ng malakas na pag-ulan sa bahagi ng Angat Dam sa loob ng 24 oras.
Dahil dito, posibleng tumaas ang tubig sa dam at magdulot ng pagbaha.
Batay sa weather bulletin ng PAGASA, nakararanas ng walang tigil na pagbuhos ng ulan ang ilang lugar sa bansa busod ng LPA.
Facebook Comments