PAGASA, naglabas ng General Flood Advisory para sa Region 1 dahil sa Bagyong Goring

Inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang General Flood Advisory No. 5 sa buong Region 1 na kinabibilangan ng lalawigan ng La Union.

Ayon sa PAGASA, posibleng tataas ang lebel ng tubig sa Amburayan River, Baroro River, Bauang River at Aringay River sa lalawigan ng La Union.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga nakatira sa mga malapit sa bundok gayundin sa mga mabababang lugar na malapit sa mga nabanggit na river system para sa kanilang pag-iingat at pagsasagawa sa mga kinakailangang hakbang.


Samantala, patuloy naman na nakamonitor ang PAGASA sa mga lugar na dinadaanan ng bagyo.

Facebook Comments