PAGASA, NAGPAALALA KAUGNAY SA MADALAS NA NARARANASANG PAGKULOG AT PAGKIDLAT SA PANGASINAN

Patuloy na pinag-iingat ng PAGASA Dagupan ang publiko hinggil sa mga nararanasang mga pagkulog at pagkidlat dito sa probinsya ng Pangasinan.
Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr. Chief Meteorologist ng naturang ahensya na sa kasalukuyan ay nakararanas ang lalawigan ng localized thunderstorms na may mga kalat-kalat na pag-ulan pagsapit ng hapon o gabi.
Dahil dito pinapayuhan ng naturang opisyal na umiwas sa mga puno o matataas na lugar dahil ang kadalasang tinatamaan ng kidlat ay ang matataas na lugar, mga structure, puno, o gusali.

Ibinabala rin nito na kung nakakaranas ng mga thunderstorms ay mainam na manatili na lamang sa loob ng bahay.
Dagdag pa nito na maiging umiwas sa paggamit ng electrical devices at tiyaking tanggalin sa mga saksakan ang mga appliances.
Pagsasaad pa ni Engr. Estrada, ugaliin ang pagdala ng payong na panangga laban sa init at ulan upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng pabago-bagong panahon. |ifmnews
Facebook Comments