PAGASA, nagpalabas ng heavy rain warning

Inihayag ngayon ng PAGASA na yellow warning level sa Zambales at Bataan kung saan inaasahan ang mga pagbaha sa mga mabababang lugar.

Habang light to moderate rains naman ang nakakaapekto sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Nueva Ecija, Rizal, Laguna at Quezon na tatagal ng hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at ng Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRMMO) na mag-monitor sa lagay ng panahon kung saan inaasahan na mamayang alas onse ngayon umaga ay muling magpapalabas ng anunsyo ang PAGASA sa lagay ng panahon.


Facebook Comments