Nagpalabas na ang PAGASA-DOST ng Orange Warning sa Zambales at Bataan kung saan ay inaasahan na mayroong banta ng mga pagbaha sa naturang lugar.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan ang banayad na may manaka-nakang malalakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila, NuevaEcija, Bulacan, Cavite at Batangas sa mga susunod na tatlong oras.
Banayad na mayroong manaka-nakang malalakas na pagbuhos ng ulan sa apektadong lugar sa Tarlac at Pampanga kung saan tatagal ng hanggang tatlong oras.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko at maging ang Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMO) na i-monitor at maging mapagmatyag sa lagay ng panahon dahil patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan dulot ng Bagyong Falcon.