Binawasan na ang tubig na pinapakawalan sa Ambuklao at Binga Dam sa Luzon.
Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division, nilimitahan na lang sa tig-isang gate ang binuksan sa dalawang dam na may gate opening na 50 meters.
Una nang binuksan ang tatlong gate ng dam at nagpapakawala ng 1.50 meters ng tubig.
Paliwanag pa ng PAGASA na hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 750.87 meters ang water elevation ng Ambuklao habang 573.95 meters naman sa Binga dam, parehong mababa na lebel ng tubig kumpara kahapon.
Samantala, itinigil na rin ang pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam na nasa 100.98 meters ang lebel ng tubig nito na bahagyang mababa sa 101 meters normal highwater level.
Ang Angat Dam ay nasa 199.33 meters ang water elevation at La Mesa Dam at 79.36 meters.
Ang iba pang Dam sa luzon ay nasa mataas na rin ang water elevation bunga ng mga pag uulan nitong nakalipas na mga araw.