PAGASA: Pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam sa Luzon, nilimitahan na

Itinigil na ng Ambuklao Dam sa Benguet ang pagpapakawala ng tubig.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division, isinara na ang gate na dinadaluyan ng tubig.

Batay sa huling monitoring, nasa 751.78 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam, na bahagya nang mababa sa 152 meters na normal na water level nito.


Samantala, binawasan na rin ang pagpapakawala ng tubig sa Angat at Ipo Dams.

Mula sa dalawang gate na nagpapakawala ng tubig kahapon sa Angat, nilimitahan na lamang ito ngayon sa isang gate na bukas ng .50 meters.

Habang isang gate na lang din na may gate opening na .15 meters ang bukas sa Ipo Dam.

Sa ngayon, nasa 213.37 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam na mataas pa rin sa 212 meters na normal elevation at Ipo Dam na nasa 100.87 meters ang water elevation.

Facebook Comments