Pinaghahanda na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa nagbabadyang epekto ng bagyo na may international name na Surigae.
Ayon sa PAGASA, kahit may pandemya ay dapat patuloy na maging alerto ang publiko.
Inaasahang sa Biyernes ay papasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at tatawaging Bagyong Bising.
Posibleng, umabot ang lakas nito sa super typhoon.
Bagama’t hindi nakikita na tatama ito sa kalupaan, mararamdaman naman ito sa Lunes sa bahagi ng Catanduanes at Northern Samar.
Dahil sa lawak ng saklaw ng bagyo, magpapaulan ito sa Bicol Region maging sa Samar provinces.
Maliban dito, magkakaroon din ng pagtaas ng alon sa dalampasigan ng Bicol at Samar provinces.
Facebook Comments