PAGASA: Tag-ulan, nalalapit na

Inaasahan ang opisyal na simula ng maulang panahon sa susunod na linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“It is likely that the onset will be either during the first week of June or second week of June,” sabi ni PAGASA deputy administrator Flaviana Hilario, Miyerkules.

Lima hanggang walong tropical cyclones naman ang inaasahang tatama sa bansa mula June hanggang August, dagdag ng ahensya.


Ayon pa kay Hilario, makararanas ng normal na kondisyon sa maraming parte ng bansa maliban sa Apayao, Ilocos region, Cagayan, Tarlac, at Zambales na makararanas ng below normal conditions sa June.

Sa July naman, normal ang rainfall sa Luzon at Visayas, habang below normal sa maraming parte ng Mindanao at southern Visayas.

Above normal condition naman ang mararanasan sa maraming parte ng bansa sa buwan ng August.

Facebook Comments