PAGASA: Tatlong dam sa Luzon, patuloy ang pagpapakawala ng tubig

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao at Binga Dam sa Luzon ngayong araw.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)-Hydrometeorology Division, isang gate ang binuksan sa Ipo Dam na may gate opening na .30 meters, apat na gate sa Ambuklao na may taas ng 2 meters at anim na gate sa Binga Dam na may gate opening na 3 meters.

Paliwanag ng PAGASA, hanggang alas-6:00 kaninang umaga, nasa 100.95 meters ang water elevation ng Ipo Dam, na halos maabot na ang normal high-water level na 101 meters.


Habang nasa 751.94 meters naman ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam na halos pantay na rin sa 752 meters normal level.

Samantala, 574.95 meters naman ang water level ng Binga Dam para maabot ang 575 meters normal level.

Bukod sa tatlong dam, may pagtaas din sa lebel ng tubig ang iba pang dam.

Asahan pa na magbabago pa ang lebel ng tubig sa mga DAM habang patuloy pa ang mga pag ulan dala ng sama ng panahon.

Facebook Comments