Ngayong nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon, ininspeksyon ng PNP-Civil Security Group (CSG) ang isang pagawaan ng paputok sa Barangay Sampaloc, Bulacan.
Pinangunahan ni CSG Director MGen. Leo Francisco ang inspeksyon sa Dragon Fireworks, Inc. upang matiyak na sumusunod ang kompanya sa safety regulations, manufacturing standards at security protocols.
Kabilang sa sinuri ang storage areas nito, manufacturing processes at quality control systems.
Kasunod nito, pinaalalahanan ni Francisco ang publiko na bumili lamang ng paputok sa mga otorisado at licensed manufacturers.
Binigyang-diin din ng CSG na patuloy nilang isasagawa ang monitoring sa buong bansa upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang firework-related incidents sa bansa.