Manila, Philippines – Nadiskubre ang isang pagawaan ng pekeng plaka sa isang bahay sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.
Sa ikinasang operasyon ng Quezon City Police District Special Operations Unit (QCPD-SOU), dito nakita ang samu’t saring hindi awtorisadong commemorative plate.
Nakarekober din ng mga plaka na para sa pangulo, kongresita at city prosecutor.
Kasabay nito nahuli ang dalawang suspek na nasa likod ng operasyon na sina Jahaziel Alcantara at Christine Nemem.
Ayon kay QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, nagagamit ang nasabing plaka para maabswelto sa traffic apprehension.
Ginagamit din aniya ito ng mga sindikato para sa kambal plaka modus at carnapping.
Dagdag pa ni land transportation office (lto) regional director confidential assistant renato launenaria – nagagamit din ang mga pekeng plaka para makatakas ang mga motorista sa number coding.
Narekober din ng plate sheets na pwedeng makalikha ng halos 200 plaka para sa mga motorsiklo.
Lumalabas na kahamihan sa mga parokyano nitong ilegal na operasyon ay ang mga motoristang nasi magkaroon ng pansamantalang plaka.
Inaalam na rin ng mga awtoridad kung may mga kasabwat ang mga suspek.