Sunday, February 22, 2026

Pagawaan ng pekeng sigarilyo sa Cavite, sinalakay ng BOC

Mahigit ₱200 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo at mga gamit sa paggawa nito ang tumambad sa sinalakay na bodega sa Cavite.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), katuwang ng kanilang Intelligence Group sa isinagawang operasyon ang mga tauhan ng AFP, PNP-Calabarzon, DILG at Lokal na Pamahalaan ng Tanza.

Nadiskubre ang mga pekeng sigarilyo at mga ginagamit sa paggawa nito sa warehouse na dating imbakan ng mga de lata.

Nakatanggap umano ng sumbong ang mga awtoridad dahil sa amoy ng tobacco dahilan upang magsagawa sila ng surveillance at salakayin ito.

Nadiskubre rin ang mga pekeng tax stamps na ginagamit umano para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

Ayon sa BOC, patuloy ang kanilang mga operasyon laban sa smuggling, illicit manufacturing at pagsabutahe sa ekonomiya na nakakaapekto sa mga lehitimong negosyo at mga lokal na magsasaka.

Facebook Comments