Tuloy-tuloy ang operasyon ng mga pagawaan ng tarpaulin sa lungsod ng Dagupan, ilang araw bago sumapit ang local campaign period.
Ayon sa ilang negosyante, bultohan na ang tanggap ng mga ito, kung saan pumapalo ang standard rate nila per square feet sa PHP 12.50.
Nagbibigay din umano sila ng discount na bababa hanggang PHP 4.50 depende sa dami at kalidad.
Mula umano noong buwan Enero ay malakas at marami na silang naging kliyente. Inaasahan naman nila na lalakas pa ito hanggang buwan ng Abril.
Samantala, magsisimula ang local campaign sa araw ng biyernes kasabay ng nationwide operasyon baklas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments