Palalawigin pa ng Department of Agriculture (DA) ang Ban sa importasyon ng sibuyas hanggang Hulyo 2024.
Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., puno ang mga cold storage ng mga sibuyas na mula sa produksyon ng mga magsasaka.
Paliwanag ni Tiu-Laurel na nananatili rin aniyang mababa ang presyo ng sibuyas sa mga palengke kaya walang rason upang mag-angkat ng suplay.
Base sa monitoring aniya nila sa Balintawak Market, aabot sa 60 hanggang 70 pesos ang kada kilo ng sibuyas.
Malayo ito sa P140 na presyuhan nuong unang maupo siya sa DA.
Sa kasalukuyan, posibleng umabot sa 370,000 metric tons na produksyon ang bansa sa unang anim na buwan ng 2024.
Nauna nang ipinag-utos ni Tiu-Laurel ang pag-aangkat ng sibuyas hanggang ngayong buwan ng Mayo para matulungan ang mga magsisibuyas.