Pagbaba ng alert level sa Metro Manila, masyado pang maaga

Masyado pang maaga para magbaba ng alert level sa Metro Manila kahit pababa na ang mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Infectious Diseases Expert at Vaccine Expert Panel (VEP) member Dr. Rontgene Solante, dapat munang tingnan ang mga kaso sa loob ng dalawang linggo.

Aniya, kung mababa na ang kontaminasyon sa COVID-19 ay pag-uusapan ito ng mga eksperto.


Mahalaga aniyang manatili muna sa Alert Level 2 ang Metro Manila bago pagpasyahan kung ide-escalate ang alerto.

Giit ni Solante, mahalagang pag-aralan mabuti ang sitwasyon at huwag magpadalos-dalos para hindi makompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng mga taga-Metro Manila.

Facebook Comments