Posibleng maibaba na ang alert level sa Metro Manila kung magpapatuloy ang pagganda ng COVID-19 indications sa rehiyon.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, maaari itong mangyari anumang oras kung patuloy na bababa ang hawaan at mga kaso ng COVID-19.
Aniya, nakatulong sa magandang COVID-19 indicators ang epekto ng granular lockdowns, mas mahigpit na quarantine measures at pagdami ng nagpapabakuna laban sa COVID-19.
Umaasa si Abalos na mas magiging maayos ang sitwasyon ng Metro Manila na nasa ilalim ng Alert Level 4 hanggang Oktubre 15.
Facebook Comments