Pagbaba ng alerto ng COVID-19, posibleng magdulot ng mas nakamamatay na bagong variant ayon sa WHO

Nagbabala ngayon ang World Health Organization (WHO) na ang pagbaba ng alerto sa COVID-19 ng mga bansa sa buong mundo ay maaaring magdulot upang magkaroon ng nakamamatay ng bagong variant.

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, kung ipagsasawalang bahala ng mga bansa ang mga kakulangan sa kanilang istratehiya sa COVID-19 ay maaaring magdulot ito ng bagong variant na mas nakamamatay.

Inihalimbawa ni Ghebreyesus ang nangyayaring lockdown ngayon sa China dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Giit ng opisyal, bagama’t masasabi niyang malapit nang matapos ang emergency phase ng pandemya, pero binigyang-diin nito na hindi pa tapos ang laban dahil nananatili pa rin ang virus.

Batay sa global health agency, nasa 90% ng world’s population ang may immunity na sa virus dahil sa bakuna o infection pero mas mahalaga pa rin aniya na maging alerto ang publiko, huwag magpakampante at sumunod sa mga public health standard.

Facebook Comments