Pagbaba ng antas ng kahirapan sa bansa, imbento lang ng gobyerno ayon sa isang labor group

Imbento lang ng gobyerno ang ulat na bumaba ang antas ng kahirapan sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) kasunod ng inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay,  masyadong mababa ang standard ng gobyerno.


Kinuwestyon din nito ang P10,481 na poverty threshold na ayon sa PSA ay ang minimum na halaga na kailangan ng isang pamilyang may limang miyembro para matugunan ang kanilang buwanang pagkain at pangangailangan.

Giit ni Tanjusay,  hindi sumasalamin sa realidad ang report na ito ng PSA.

Tingin ni Tanjusay, nais lang ng gobyerno na makahikayat ng mas maraming investors dahil iisipin ng mga ito na okey lang kahit mababa lang ang pasahod sa mga manggagawang Pinoy.

Facebook Comments