Pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19, ramdam na sa ilang ospital sa bansa

Ramdam na rin ng mga ospital sa bansa ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Myrna Cabotaje, nabawasan na ang mga isinusugod na COVID-19 patients sa mga ospital.

Pero malaking hamon aniya ang pagbalanse ng ekonomiya at pagtiyak na nasusunod ang ipinatutupad na health protocols kaya hindi muna ibinaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila.


Samantala, paliwanag ni Philippine General Hospital (PGH) spokesperson Dr. Jonas del Rosario na lumuwag na rin ang COVID-19 ward sa kanilang ospital.

Pero mas marami naman ang dinadalang non-COVID-19 patients kaya pinaplano na ang pagbukas ng karagdagang non-COVID wards.

Base sa datos ng DOH hanggang ika-25 ng Oktubre ay naglalaro sa 37.65% hanggang 53.15% ang health system capacity sa NCR, na maituturing na low-risk.

Nasa negative naman ang 2 week growth rate sa rehiyon sa nakalipas na linggo.

Facebook Comments