Pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral na dumadalo sa online learning, hindi dapat ikabahala ayon sa DepEd

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na hindi dapat ikabahala ang pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral na dumadalo sa online learning.

Ito ay kasunod ng sinabi ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) National Chairman Benjo Basas na bumaba ang bilang ng mga mag-aaral na dumadalo sa mga online class.

Ayon kay Education Usec. Diosdado San Antonio, handang gumawa ng solusyon ang kagawaran kung makakaranas ng problema ang mga mag-aaral dahil maaari namang piliin ng estudyante ang modules, kung nagkakaroon ng problema sa internet na ginagamit sa online classes.


Sa ngayon, bineberipika na ng kagawaran ang nasabing impormasyon.

Matatandaang batay sa survey ng PUBLiCUS Asia Inc., isang independent at non-commissioned poll, lumabas na 25% ng mga mag-aaral ang may negative response sa distance learning bunsod ng mahinang koneksyon sa internet at kulang ang interaksyon sa mga guro.

Facebook Comments