Welcome sa Palasyo ang latest Social Weather Stations survey result para sa 3rd quarter ng taon kung saan lumalabas na bumaba ang self-rated hunger mula 10.0% nuong June 2019 sa 9.1% ngayong September 2019.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang resulta ng survey ay nagpapatunay lamang na bumababa ang bilang ng mga Pilipinong itinuturing ang kanilang mga sariling bilang“mahirap.”
Paliwanag ni Panelo ang patuloy na pagbaba ng poverty incidence sa Pilipinas mula 24.5% nuong 2016 sa 21.9% nitong 2018 ang isa sa mga rason kung bakit nananatiling mataas ang satisfaction, approval at trust ratings ng Pangulong Duterte.
Kasunod nito tiniyak ng Palasyo na kahit nababawasan na ang bilang ng mga mahihirap sa bansa ay hindi parin titigil ang pamahalaan sa paggawa ng solusyon kontra kahirapan at nangakong tutuldukan ang ugat nito nang sa gayon ay hindi na muling masadlak sa hirap ang marami nating mga kababayan.