Maaaring mabasag ang downward trend o pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng gutom kung magkakaroon ng surge ng COVID-19 cases.
Ito ang pahayag ng Malacañang sa bagong report ng Social Weather Stations (SWS) na bumaba ng 16% o 4 million ang bilang ng mga Pamilyang Pilipinong nakararanas ng gutom o involuntary hunger sa huling kwarter ng taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinalugod nila ang report pero mataas pa rin ito o marami pa rin ang nagugutom.
Aniya, bumaba ang bilang dahil sa muling pagbubukas ng pamahalaan sa ekonomiya.
Pero sinabi ni Roque na banta rito ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayong holiday season.
Kailangang alagaan ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili kung nais nilang magkaroon ng maligayang Pasko.